Wednesday, September 17, 2008

Edu is Happy with Pinky

Edu Maligaya kay Pinky Webb

Source: http://www.abante-tonite.com/issue/sep1708/entertainment_allan.htm

Nu’ng Linggo (Setyembre 14) ay 53rd birthday ni Chairman Edu.
Sinorpresa siya ng mga anak niyang sina Luis, Enzo at Adi ng isang dance number sa PGKNB nu’ng Sabado.
Nakipagkuntsaba ang staff ng show kay Luis para sa nasabing surprise number at si Luis pa ang nag-choreograph ng sayaw nila ng kanyang half-siblings na sina Adi (15 y/o) at Enzo (13 y/o).
Balak na rin bang mag-showbiz ng dalawang anak ni Doods tulad ng panganay niyang si Luis?
“Parang si Luis ‘yan, eh! I told them, ‘Wala sa inyong pwedeng maging bahagi ng entertainment industry until you graduate. Then, bahala na kayo sa buhay n’yo!’
“Tinanong ko nga sila nu’ng Sunday eh, nag-lunch kaming lahat. ‘Did you like what you did?’ Sabi nila, ‘Yeah, daddy, masaya!’ Sabi ko, ‘Do you want to enter the business?’ Sagot nu’ng dalawa, ‘No, daddy, we just did that for you,’” natatawang tsika ni Edu.
Gaya ni Gov. Vilma Santos ay sobrang kaibigan din daw ni Doods ang ina nina Adi at Enzo na si Rina Samson at wala silang problema.
Maganda ang relasyon ng mga anak ni Edu sa kasalukuyan niyang nobya na si Pinky Webb.
“You should never hide anything from your children because iisipin nilang masama. But if you’re very open, walang problema.
“Ang sinasabi nga sa akin ni Luis, ‘Dapat siguro, dad, mag-asawa ka na. Mahirap ang buhay binata.’ Sabi ko, ‘Yeah, I agree. Nahihirapan ako.’ Ha! Ha! Ha!”
Masaya si Doods sa relasyon nila ni Pinky, pero hangga’t maari ay ayaw niya itong masyadong pag-usapan.
“Nasa news (department) kasi siya, eh. Ayoko siyang masama sa mga tsismis, kaya iniiwasan ko siyang pag-usapan.
“Out of respect for her job. Hindi puwedeng madapuan ng tsismis, kasi ‘yung kredibilidad, naaapektuhan,” seryosong sambit ng simpatikong OMB Chairman.
Syanga pala, inilabas na ng Universal Records ang album na Edu Manzano: Dancer of the Universe, kung saan anim ang karakter ni Edu sa cover – full-blooded Pinoy, Sumo wrestler, Gestapo, Mexican, Russian at Chinese.
Follow-up ito sa naunang album ni Edu na certified platinum, ang World’s Greatest Dance Steps.

Thanks noname for the heads up! :)

1 comments:

Anonymous said...

awww ang sweet