Friday, December 5, 2008

Ms. Pinky Webb & Mr. Edu Manzano @ the PMPC Star Awards for Television 2008






Pinky Webb, pinagpawisan kay Edu Manzano!
Written by Julie Bonifacio
December 7, 2008

NAG-FOURSOME ANG MAG-AMANG Edu at Luis Manzano sa katatapos lang na 22nd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club sa SMX ng Mall of Asia last Sunday. Kasamang dumating ni Edu sa venue ang co-host niya sa Umagang Kay Ganda na si Pinky Webb. Samantalang si Luis naman ang escort ni Angel Locsin na nag-uwi ng kauna-unahan niyang acting award.


“Aktres na ako,” sabi ni Angel pagtanggap niya ng award.


Big winner si Edu that night as Best Game Show host sa Pilipinas, Game Ka Na Ba? Winner din sina Julius Babao para sa Best Male Newscaster, Kim Atienza for Matanglawin, at Robi Domingo as Best New Male TV Personality.


Nagkaroon ng komosyon sa audience nu’ng umakyat ng stage si Edu dahil ang nababalitang girlfriend niya ngayon na si Pinky Webb ang nag-announce ng winner for Best Game Show na napanalunan ng Pilipinas, Game Ka Na Ba? kasama si Julius as presenters.


Nu’ng muling babasahin naman ang winner for Best Game Show Host ni Julius Babao, panay ang silip ni Pinky kung sino ang nakasulat na pangalan sa envelope. After ma-announce na winner si Edu at tanggapin ang trophy, pinasalamatan niya si Pinky na halatang nag-blush sabay talikod sa audience. Pagbaba ni Pinky sa podium ng stage, namumula pa rin siya at pinagpapawisan.


“Hangggang ngayon pinagpapawisan pa rin ako,” ngiti ni Pinky sa mga members ng PMPC. “Never ako’ng pinagpawisan nang ganito katindi sa buhay ko.”


Paglabas ni Edu at Pinky sa hall ng SMX, pinutakte na sila ng tv crews. Iwas naman ng iwas si Pinky na makunan sila na magkasama ni Edu. So, si Edu na lang ang nag-entertain sa tv crews.


Hindi maitago ni Edu ang labis na kaligayahan that night lalo pa’t nandu’n din ang anak nyang si Luis with his very special love na si Angel. Wish nga ni Edu, sana raw nandu’n din ang iba pa niyang mga anak to share his happiness.


Nagbigay naman ng reaksiyon si Edu sa sinabi ng ex-wife niya at Governor ngayon ng Batangas na si Vilma Santos na kakausapin siya para pumayag na um-appear sa first movie nila ng kanilang anak na si Luis sa Star Cinema na may tentative title na A Mother’s Story kahit one day lang.


“Actually, nagkausap na kami at maganda ‘yun kung mas pagagandahin pa lalo ‘yung eksenang kukunan sa amin. Yes I agree with her (na lumabas sa movie nina Governor Vi at Luis). Pero nasa mga writer na ng Star Cinema ‘yun kung paano nila pagagandahin ‘yung eksenang gagawin namin sa movie,” pahayag ni Edu.


Malinaw ding sinabi ni Edu na walang isyu kay Pinky kung magsama ulit sila sa pelikula ng kanyang ex-wife at ina ni Luis. *******

Here are some pics of the stunning Ms Pinky Webb @ the recent PMPC Star Awards 2008, she totally rocks! She should have been the Female Star of the Night, don't you think so guys? Nevertheless, she's still the biggest winner in our hearts, most especially in Edu's heart.. You can see how happy & proud he (Edu) is having her (Pinky) beside him that night, he was a total winner even before he was announced a winner! They really look good together.

1 comments:

pinkdooders said...

bgay tlaga sila.....love yah guys...stay inlove...kakakilig tlaga kayo.......